nakukulitan na siguro si lord sa akin... paano ba naman, ilang beses na akong humihingi ng sign sa kanya about that guy. urong-sulong pa kasi ako! siguro naghihintay ako ng isang napakalaking banner na bigla ko na lang makikita na magsasabi ng kung ano ba talaga ang gagawin ko.
ang una kong sign, isang red na rose na lalabas dun sa music video na pinapanood ko. tapos hindi pa ako nakuntento dun. kaya the next day, ganun ulit ang hiningi kong sign... ang problem nga lang eh, magka-iba ang lumabas na resulta. hindi pa rin nakuntento ang lola mo kaya isa pang sign... red rose naman sa email. pero ganun pa rin, hindi pa rin consistent kaya humingi ulit ng "last" sign.
haaay, ilan kayang sign ang kailangan ko para gawin ko na ang matagal ko ng ginawa. magulo... sobrang gulo!
kaya lord... sana ibigay nyo na sa akin ang sign na hinahanap ko. samahan mo na rin ng isang simpleng instruction's manual. medyo slow kasi ang anak nyong ito sa pag-intindi ng mga instructions eh.
thank you po.
sure... papahiramin kita... sana nga makuha ko na agad.