Akala ko pa naman, makakatulog na ako ng ayos dahil hanggang 12mn na lang shift ko... hindi pa rin pala. Hirap din palang umuwi ng ganung ka-late. Akala ko kasi okay lang, parang lagi ka lang may gimick. Kakatakot din pala. Tapos, ang dami mo pang maririnig na mga "horror" stories. Ah eh, okay lang na hindi ako makatulog ng 8 hours a day basta ba sigurado akong masisikatan pa ako ng araw kinabukasan.
May sleeping room nga dito sa office, pero sabi nila may mumu daw... Ganda ng life noh? Okay na akong puyat basta alam kong walang mumu sa tabi ko!
Kaya eto, post na naman ako ng isang bagong entry. Wala na kasi akong magawa. Unti-unti ko na ring nauubosan na nga din ako ng mga websites na bibisitahin eh. Naasikaso ko tuloy ang aking neopet na hindi na-dead kahit na almost one month ko na syang hindi napakain. Buti pa nga yung pet ko na yun, ang dami na nyang pera sa bank account nya. Alagang-alaga ang loko eh.
At dahil ang dami kong free time dito sa office, ang dami ko tuloy naiisip...
*My gosh, 1 year and 7 months na ako dito sa trabaho ko. Hindi ko ma-imagine na makakatagal ako sa ganitong trabaho. Yun nga lang, mukhang malapit ko na ting iwan ito kasi the account's slowly becoming a sales account. 'Yeta naman! Pwede ba, hindi ako mahilig mag-upsell. At ayoko talaga ng trabaho na actively involved in selling.
*Gusto kong pumunta ng beach! More than 2 years na akong hindi nakakakita ng dagat eh!
*Miss ko na mga friends ko. Calling Rosey... Ang lapit na nga natin, hindi pa tayo nagkikita. ganda naman kasi ng restdays ko, thursday and friday ba naman eh. Ayos!
*I need to cut my hair... I also need to go shopping for new clothes. Hehehe, looking for an excuse to spend without the guilt.
*Gusto kong bumalik ulit sa Baguio. At sana naman sa pagbalik ko, hindi na umuulan noh! Hirap kayang mag-ikot 'pag umuulan.
*Hirap palang magutom... Dati kasi hindi ako nakakaramdam ng gutom. Haaay, kailan kaya ako papayat?
*Bitter pa rin nga ba ako after all these times? Hmmmm, hindi na noh! Promise, okay na ako. Hanap nyo na lang ako ng bagong "papa". Basta ang gusto ko: Tall, dark and handsome ha?
*Bakit kaya ayoko na ng beer? Ang gastos ko tuloy 'pag nagpapadala ako sa "peer pressure".
*Kailang kaya ako titigil mag-smoke? Lagi na nga akong nagkakasakit, hindi pa rin ako natututo!
*Miss ko na ang aking "partner-in-crime" na pamangkin ko. Hoy, bru uwi ka na dito. Pero 'wag kalimutan ang pasalubong ko ha?
*At dahil kay "Elf"... Naalala ko tuloy na kailangan ko ng pumunta sa spa para magpa-massage. Saan kaya okay? Suggestions please.
*Corny talaga ng mga posts ko... Sabi nga ng aking seatmate, parang diary talaga ang dating. I wonder kong sino na ang mga nakabasa nito. Yuck, nahiya naman akong bigla.
At dahil wala namang pinapatunguhan ang entry na ito. Titigil na ako.