Ang Pag-Ibig kong Ito
Moonstar88
Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayokong kanyang malaman
Mga araw na nagdaan,
kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
Kapalaran ko ay magbago
Bakit nga kaya ganun? Kung sino pa ang taong wala namang karapatang magloko, sila pa ang may lakas ng loob na mangloko ng kapwa nila? Sana maging masaya kayo... Sana hindi nyo maramdaman ang naramdaman ko ng malaman ko na niloloko nya lang pala ako. Syet na buhay ito - kung sino pa ang taong minahal ko ng todo siya pa ang magpapaiyak sa akin ng sobra-sobra. Kakapagod ng umiyak, nahihiya na ako sa sarili ko kasi ang tanga-tanga ko. Hindi ko naisip na wala talagang taong puwede mong pagkatiwalaan ng buong-buo. Kapareho ka lang pala ng mga ibang lalaki, hindi marunong makuntento sa meron na sila. Ang mali ko lang, minahal kita. Nakalimutan ko na pwede akong masaktan ng ganito dahil sa iyo.
Tama na yung limang taon ng pagiging tanga ko para sa iyo. Letseng relasyon kasi yan eh! Kaya ngayon, hindi na ako magmahal ng ganung katindi. Hindi na ulit ako magtitiwala ng lubusan sa isang taong hindi ko naman talaga nakilala ang buong pagkatao. Bitter na kung bitter, pero hindi na talaga mauulit.
P.S.
Bayaan nyo na ako, nakalimutan ko rin kasing magalit nung mga oras na yun. kaya ngayon ko lang nailalabas lahat. Pero sana, hindi na lang kita makita ulit, baka magpaka-gaga ako ulit ng dahil lang sa iyo.